Inihayag ni Senator Christopher Bong Go na kailangang magdoble trabaho ang gobyerno sa pangungumbinsi sa taumbayan na magpabakuna lalo ng booster shots kontra COVID-19.
Ito ay dahil hanggang ngayon ang pilipinas ang may pinakamababang vaccination rate sa Southeeast Asia.
Gayunman, bukas ang senador sa ilalabas na polisiya ng gobyerno hinggil sa maluwag na paggamit ng face mask sa indoor.
Ipinaalala lang ni Senator Go na walang part 2 ang buhay ng isang tao kaya’t dapat na iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan.
Sa gitna aniya ng patuloy na mabilis na pagbabago ng virus at pagkakaroon nito ng iba’t ibang variants, ang bakuna ang paraan upang tuluyang malagpasan ang pandemya.
Nabatid na hanggang nitong October 23, nasa 3.31M filipinos, o 4.24% ng target population ang nakatanggap na ng second booster dose, habang 20.47M o 26.21% ng target population ang may first booster dose. – sa ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19).