Inaasahan na ng Commission on Elections o COMELEC Malay ang mababang bilang ng mga boboto sa barangay at SK elections ngayong araw na ito sa Boracay.
Ito ayon kay Elma Cahilig, Municipal Election Officer ng Malay, Aklan ay dahil sa nagsialis na ang mga manggagawa at residente dulot ng rehabilitasyon sa isla.
Nilinaw ni Cahilig na ang mga naka-rehistrong botante sa Boracay na nakatira sa mainland ay papayagang makaboto subalit kailangang dumaan muna sa assistance lanes ng COMELEC at Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa Caticlan Jetty Port.
Ito ay para sa identification at pagkuha ng polling precinct numbers bago makapasok sa isla.
Bibigyan ng sapat na panahon ang mga botante at pagkatapos bumoto ay dapat na bumalik kaagad sa mainland.
—-