Isinisi ng may-akda ng nnti-hazing law na si dating Senador Joey Lina sa mahinang criminal justice system ang mahinang conviction rate sa mga nasasangkot sa hazing.
Ito ang binigyang diin ni Lina sa kaniyang pagharap kagabi sa joint hearing ng Senate Public Order at Justice Committee kaugnay sa pagkamatay ng hazing victim at UST Law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ayon kay Lina, lubhang napakahirap aniya nuon na papanagutin ang isang nasasangkot sa hazing dahil kailangan munang patunayan ang intensyon sa pagpatay.
Kaya niya ginawa ang anti-hazing law noong 1995 upang lalong palakasin ang mga parusa sa mga nasasangkot sa hazing anuman ang intensyon ng mga nasa likod nito.
Magugunitang tanging ang mga sangkot lamang sa hazing kay Law student Lenny Villa noong 1993 ang nahatulan sa ilalim ng anti-hazing law ngunit wala nang sumunod matapos nito.
(Ulat ni Cely Bueno)