Inihayag ni Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego na hindi problema ang suplay ng itlog ng manok kundi ang demand nito.
Ito ay dahil kaunti ang itlog na binibili ng mga Pilipinong may maliit lamang na budget.
Paliwanag ni San Diego, sakaling hindi bumilis ang paggalaw ng suplay ng itlog sa merkado ay walang magagawa ang mga tindero kundi taasan ang presyo ng produkto upang mapunan ang pagkalugi nito.
Nagiging dahilan aniya ito sa mga producer para ibaba ang farm gate prices ng itlog para maibenta.
Sa ngayon, bumaba sa P5.50 hanggang P5.70 ang kada piraso ng medium size na itlog mula sa dating P6.20.
Nabatid na ilang analyst ang nagsabi na dahil sa inflation ay kumonti ang mga mamimili sa mga market.