Muling pinawi ng mga eksperto ang pangamba ng publiko laban sa negatibong epekto ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara na wala pang siyentipikong basehan ang mga kumalat na balita ukol sa mababang efficacy o bisa ng ilang vaccine brands.
Ayon kay Guevarra, hindi pa tapos ang masusing clinical trials ng mga bakuna laban sa coronavirus.
Ipinaliwanag naman ng opisyal ang isyu tungkol sa Sinovac na sinasabing limampung porsiyento lamang ang efficacy.
Kasabay nito, hinimok din ni Guevara ang publiko na magtiwala sa gobyerno at ipaubaya ang lahat sa Department of Health na siyang maglulunsad ng vaccination program.