Naniniwala ang Department of Labor and Employment na pansamantala lamang ang pagbaba ng bilang ng may trabaho patungo sa muling pagbangon ng labor market.
Batay sa pinakahuling resulta ng Setyembre 2021 labor force survey, bumaba ang employment rate ng bansa sa 43.5 million noong Setyembre kumpara sa 44.2 million noong Agosto o nabawasan ng 642,000 ang labor force.
Tumaas naman ang unemployment rate ng 8.9% mula 8.1% noong nakaraang buwan.
Ayon kay labor secretary Silvestre Bello, maaring maiugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restriction noong Setyembre ang pagbaba ng employment rate na pinalala ng kakulangan ng trabaho sa sektor ng agrikultura.
Nakaapekto rin anya sa labor force ang masamang panahon at pagsisimula ng klase.
Umaasa naman si Bello na magiging maganda na ang sitwasyon ng labor market sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, pagdami ng binabakunahan at muling pagbubukas ng mga negosyo habang papalapit ang Pasko.—mula sa panulat ni Drew Nacino