Hindi na ikinagulat ni Senador Sherwin Gatchalian ang mababang grado ng mga estudyanteng Pilipino.
Kasunod na rin ito ng resulta ng Organisation for Economic Cooperation and Development’s (OECD) Programme for International Student Assessment 2018 na isinagawa sa 600,000 estudyante sa halos 80 bansa kabilang ang Pilipinas.
Nakakuha ang Pilipinas ng average score na 340 sa reading comprehension, 353 sa science at 357 sa mathematics.
Sinabi ni Gatchalian na nasasalamin ng resulta ang matinding pangangailangan para mapagbuti na ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya sinu suportahan niya ang mga programa ng Department of Education para makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mga de kalidad na mga gamit sa pagtuturo at pag aaral.
Ayon pa kay Gatchalian, kailangang matiyak na ang mga paaralan ay may sapat na kagamitan at teknolohiyang makakatulong sa pag angat ng edukasyon sa bansa para maihanda ang mga mag aaral sa pagpasok sa mga industriya.