Nakakuha umano ng bagsak na grado si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Psychological test nito.
Iyan ang ibinunyag ng dating Clerk ng High Tribunal sa kaniyang pagharap sa impeachment hearing ng Kamara laban sa punong mahistrado.
Ayon kay dating Clerk of Court Atty. Enriqueta Vidal, nakakuha lamang ng gradong 4 si Sereno na ikalawa sa may pinakamababang rating ng nasabing test.
Una nang pinabulaanan ng Judicial and Bar Council o JBC ang hiling ng complainant na si Atty. Larry Gadon na ilabas ang resulta ng psychological test ni Sereno para mapatunayang hindi ito karapat-dapat na umupo bilang pinuno ng Korte Suprema.
Posted by: Robert Eugenio