Inaasahang tatagal hanggang sa nalalabing termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mababang inflation.
Ito ang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos pumalo noong isang taon sa pinakamataas na lebel ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa nakalipas na isang dekada.
Ayon kay BSP Deputy Governor Cyd Tuaño-Amador, titiyakin nila na mananatili sa target level na 3 percent ang inflation rate hanggang taong 2022.
Magugunitang umabot sa 5.2 percent ang inflation rate noong isang taon dahil sa manipis na supply ng bigas at iba pang agricultural products, pagtaas ng presyo ng mga oil products at buwis.
—-