Naniniwala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mababawasan at magiging mapayapa ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong taon.
Ito, ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya ay bunsod umiiral na batas militar sa Mindanao at ang posibleng pagbubukas muli ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
Sa kasalukyan anya ay mino-monitor nila ang political situation sa 6,100 barangay.
Taong 2013 nang bumaba sa 57 ang election-related violence kumpara sa 98 noong 2010.
Sa Metro Manila, kabilang sa mga election hot spots ang Caloocan, Navotas, Muntinlupa, Pasay, Pasig at Taguig cities.
—-