Mababa ang laboratory output ng ilang COVID-19 testing center noong linggo kaya’t bumaba rin ang mga naitalang kaso.
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) makaraang sumadsad na lamang sa 1,019 ang additional COVID-19 cases kahapon.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagaman operational ang lahat ng laboratoryo noong Pebrero a–20, lima naman ang hindi nagsumite ng datos.
Ang mababa anyang COVID-19 cases at positivity rate kahapon ay mula sa laboratory results noong linggo, na panahong kadalasang mayroong mababang outputs.
Sa datos ng DOH, bumagsak sa 6.4% ang positivty rate mula sa 18,177 samples.
Sumadsad naman sa 56,668 ang aktibong kaso na kumakatawan sa 1.6% ng lahat ng COVID cases.