Mananatiling sapat ang power supply ng bansa sa May 9 elections.
Ito ang tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kabila ng pangamba ng grupong climate change policy na kapusin ang supply sa luzon pagdating ng mismong araw ng halalan.
Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, batay sa kanilang projection ay maaaring bumaba ang energy demand sa Mayo a–9 dahil holiday.
Gayunman, maaaring makaranas ng power outages dahil sa mga hindi inaasahang sitwasyon gaya ng sobrang pag-init ng panahon na posibleng sabayan ng unscheduled maintenance ng mga power plant.
Kung wala naman anyang forced outage o biglaang pagtirik ng mga planta, wala silang nakikitangmagiging pagnipis ng supply.