Nakikipagtulungan na ang Department of Agriculture (DA) sa mga tanggapan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) maging sa Kadiwa Rolling Stores at Kadiwa On Wheels para sa pagbebenta ng mababang presyo sa kada kilo ng asukal.
Ayon sa DA, layunin nitong mas maging accessible ang mas murang halaga ng asukal na nagkakahalaga lang ng P70 hanggang P80 kada kilo na mas magpa-pagaan para sa mga consumer dahil ang presyo ngayon ng asukal sa mga pamilihan ay naglalaro sa P90 hanggang P100 kada kilo.
Samantala, sa naging pahayag naman ng SRA, ang naturang inisyatibo ay pansamantalang solusyon habang hinihintay pa na mag-operate full swing ang mga sugar mill sa bansa.
Sakop ng SRA clearance ang 13 international sugar traders na may kabuuang volume na mahigit 33,772 metric tons ng refined sugar na tutugon din para mapababa ang presyo ng asukal sa ilang groceries at supermarkets.