Nagbabala ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na bababa ang produksyon ng isda sa unang quarter ng 2023.
Ito, ayon kay PAMALAKAYA Spokesman Ronnel Arambulo, ay dahil sa patuloy na pagmahal ng mga produktong petrolyo.
80% anya ng gastusin ng mga mangingisda ay napupunta sa krudo.
Aminado si Arambulo na marami na ring tumigil sa pangingisda at naghanap ng ibang kabuhayan dahil sa lumiliit na kita.
Sakaling numipis ang suplay ng isda, tiyak ding magmamahal ito sa mga pamilihan. —sa panulat ni Jenn Patrolla