Isang hamon sa Pilipinas ang resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).
Ito ay ayon Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo.
Aniya, dahil sa resulta ay nalaman na ngayon na mayroong ganyang klase ng problema at kailangan na ito masulusyunan.
Isang hamon aniya para sa bansa ay kung paano ito tutugunan.
Binigyang diin din ni Gutierrez na nalampasan na ng mga bansang Lebanon, Bosnia, at Herzegovina ang Pilipinas sa kalidad ng edukasyon.
Magugunitang lumabas sa resulta ng PISA na nasa huling pwesto ang Pilipinas pagdating sa reading comprehension skills ng mga mag-aaral.