Isinusulong ni Senate President Koko Pimentel na gawing mababa ang singil ng entrance examination fees sa mga college and universities sa buong bansa.
Kasunod ito ng mga reklamo ng mga magulang ng mga mag – aaral na sobrang taas maningil ng mga paaralang nais pasukan ng kanilang mga anak.
Giit pa ni Pimentel, maging ang mga malalaking unibersidad tulad ng University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines ay walang pinagkaiba ang presyo ng entrance fee sa mga pribadong paaralan.
Kaugnay nito , dapat sinabi ni Pimentel na dapat bumuo na ang Department of Education ng “standardized test” para sa mga k- 12 graduates na angkop sa lahat ng tertiary educations.
Sa pamamagitan aniya ng ganitong pagsusulit ay maalis ang pangangasiwa ng kani – kanyang entrance exams sa mga kolehiyo.