Kinuwestiyon ng isang mambabatas ang mababang target ng Department of Foreign Affairs sa pagpaparehistro ng mga overseas absentee voters (OAV) para sa kasalukuyang taon.
Sa pagbusisi ni ACTS-OFW Party-list Congressman Aniceto “John” Bertiz sa budget proposal ng DFA, lumabas na minimum na sampung porsiyento lamang na dagdag sa OAV mula sa nakalipas na taon ang target ng DFA para sa taong 2017. Masyado raw mababa ito kumpara sa target ng Commission on Elections (COMELEC) na isang milyong dagdag na OAV.
Sabi ng COMELEC sa ipinalabas nitong statement, may 1,376,067 na rehistradong OAV noong nagdaang May 9, 2016 elections. Ang sampung porsiyento ng 1.3 million ay 130,000 lamang.
Sabi pa ng COMELEC sa ipinalabas nitong statement, may 1,376,067 na rehistradong OAV noong nagdaang May 9, 2016 elections. Ang sampung porsiyento ng 1.3 million ay 130,000 lamang.
Hinihimok din ng COMELEC ang 205,697 na deactivated na OAV para ma-reactivate muli ang kanilang rehistro para makaboto sila sa 2019 elections.
Maaaring magparehistro ang isang Overseas Filipino Worker na kwalipikadong bumoto sa embahada o consulate ng bansa kung saan sila naka-destino, sa Office for Overseas Voting (OFOV) ng COMELEC sa Intramuros, o sa lokal na COMELEC office sa kanilang probinsya.
Ayon sa tala ng COMELEC na may petsang October 17, 2016, 58,992 na deactivated na OAV ang land-based habang 146,705 naman ang seafarers. Nananawagan din sa DFA si Bertiz, na dati ring OFW na tulungang makapagparehistro ang mga kababayan nating nasa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa isinumiteng budget proposal ng DFA sa kamara para sa taong 2018, lumalabas na P1.2 bilyon ang inilaan na pondo para sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga OFW. Bubusiing mabuti ni Bertiz sa darating na congressional budget hearing sa August 22 ang detalye kung saan planong gamitin ng DFA ang pondong ito.