Binatikos ng World Health Organization (WHO) ang anito’y mababang testing rates ng mga bansa.
Kasunod ito nang pag amin ni WHO Technical Lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove na nababahala sila sa mataas na bilang ng mga nasasawi bagamat mababa ang napapaulat na mga bagong kaso ng virus.
Dahil dito, iginiit ni Kerkhove ang patuloy na pagpapalakas ng vaccination roll-out gayundin ng testing sa gitna na rin nang pagtaas ng kaso ng Omicron variant partikular na sa Eastern Europe.