Inaasahan ang mababang visibility sa bahagi ng Batangas at Cavite, ngayong Biyernes, ika-17 ng Enero.
Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod ng posibilidad ng isolated thunder storms sa lalawigan kasabay ng ash fall mula sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Samantala, sinabi ng PAGASA na magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon ang Amihan.
Habang inaasahan ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.