Posibleng magpatuloy ang mas mababang antas ng tubig sa Angat Dam hanggang Setyembre.
Ayon sa PAGASA, ito ay dahil hindi pa rin kakayaning mapunan ng inaasahang pag-ulan sa Mayo ang inilalabas na alokasyon ng tubig sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Sa huling tala ng PAGASA kahapon, nasa 178.38meters na ang antas ng tubig sa Angat Dam na mas mababa sa minimum operationg level na 180meters.
Una na ring ipinatitigil ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagbibigay ng alokasyon para sa irigasyon simula Mayo 16.
Maibabalik anila ito kapag nagbalik na sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Habang maapektuhan naman ang ibinibigay na suplay ng tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila kapag umabot na sa 160meters ang water level sa nasabing dam.