Pinatawan ng parusa ni DPWH Secretary Mark Villar ang St. Gerard Construction General Contractor and Development Corporation.
Ito ay dahil sa mabagal na paggawa ng nasabing construction company sa itinatayong gusali ng isang eskuwelahan sa Indang, Cavite.
Bilang parusa sa loob ng isang taon ay hindi maaaring sumali ang nasabing kumpanya sa bidding ng mga proyekto ng DPWH.
Nabatid na ang naturang kumpanya ay nakapagtala ng mahigit 15% slippage sa konstruksyon ng apat na palapag na building project sa Lumampong National High School – Indang Annex sa Indang, Cavite.
Kaugnay nito pinaalalahanan ni Villar ang iba pang contractor ng DPWH na tumupad sa itinakdang petsa ng kontrata para makamit ang isinusuong na Build, Build, Buld Program sa buong bansa ng Administrasyong Duterte. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)