Inabisuhan na ng MMDA ang mga motorista sa posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko sa España Boulevard sa Maynila, simula bukas, Oktubre 1 hanggang 6.
Ayon sa MMDA, isasailalim ng DPWH sa repair ang nasabing kalsada mula Extremadura hanggang M. Dela Fuente streets.
Hindi naman isasara sa daloy ng trapiko ang mga nasabing kalsada dahil uutay-utayin ang pag-repair sa mga naturang kalsada.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang muna sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa abala. —sa panulat ni Drew Nacino