Muling tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na may mga nakalatag na silang contingency measures.
Ito’y sakaling magkaroon ng aberya sa transmission ng mga resulta ng botohan sa mismong araw ng halalan.
Inihayag ito ni COMELEC Spokesman James Jimenez kasabay ng isinagawang transmission test at mock elections nitong Sabado sa ilang piling presinto sa buong bansa.
Sinabi ni Jimenez na bagama’t tinatanggap naman ng kanilang server sa Sta. Rosa sa Laguna ang lahat ng mga impormasyong ipinadadala ng mga VCM, natatagalan ito dahil sa mahinang internet connection.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na masusundan pa sa mga susunod na araw ang nasabing transmission test upang matiyak na magiging maayos ang kabuuan ng sistema sa Mayo 9.
By Jaymark Dagala