Naaantala ang paglulunsad ng COVID-19 vaccine tracker sa ilang ospital sa Metro Manila dahil sa internet connection.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez sa kapihan sa Manila bay, dahil kalahati sa 500 hospital ang hindi nakapag-ulat dahil mahina ang internet connection sa ibang mga lugar.
Dagdag ni Galvez, nakikipag-ugnayan na ang pribadong sektor at Department of Information and Communications Technology upang mailunsad ang vaccine tracker sa mga susunod na araw.
Samantala, sinabi rin ni Galvez, nasa 200K health care workers ang nabakunahan na kontra COVID-19 simula nang ilunsad ang vaccination program sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin.