Kinuwestyon ng mga kongresista ang mabagal na pag-usad ng rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa budget hearing ng house committee on appropriations, napag-alamang P10-B ang nailaang budget para sa rehabilitasyon ng Marawi noong 2018, nasundan ito ng P3.5-B ngayong 2019 at karagdagan pang P3.5-B o kabuuang P17-B.
Gayunman, inamin ni Budget acting secretary Wendel Avisado na wala pang 10% ng pondo ang nagagamit sa pagbangon ng Marawi.