Sinagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mabagal na pagbabayad sa mga hospital claims.
Ayon kay PhilHealth CEO Ricardo Morales, nagiging maingat lamang at istrikto ang PhilHealth pagdating sa naturang mga claim upang masigurong mga lehitimong claims lamang ang mababayaran.
Aniya, ito ay pag iwas na rin na maulit ang ‘ghost dialysis’ controversy kung saan naproseso at binayaran ang mga claim ng mga namatay nang pasyente.
Una nang nagbanata ang ng mga pribadong ospital na kakalas na sa Philhealth dahil sa kabiguan nitong bayaran ang nasa bilyon- bilyong pisong pagkakautang nito.