Isinusulong ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol na maimbestigahan ang mabagal na pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pensyon sa mga senior citizen mula pa noong 2019.
Sa inihaing resolution 656 ni Datol, nais nitong ipatawag ang DSWD at pagpaliwanagin hinggil sa nabanggit na isyu.
Aniya nakatatanggap na sila ng maraming reklamo mula sa mga senior citizen na hindi pa nare-release ng ahensya ang kanilang buwanang pensyon mula pa noong nakaraang taon.
Giit ni Datol may sapat na panahon ang DSWD para maipagkaloob ng P500 buwanang pensyon para sa maa senior.
Noong nakaraang taon, aabot sa P23-B ang inilaang pondo para sa pension program ng nasa 3.7-M indigent seniors.