Dismayado si Senadora Loren Legarda sa mabagal na paggamit ng pamahalaan sa P15 bilyong pisong disaster relief funds para sa mga sinalanta ng kalamidad.
Ayon sa kay legarda na siyang Chairperson ng Senate Committee on Finance and Climate Change, ito’y dahil sa walang kapasidad ang mga ahensya ng gobyernong may hawak sa nasabing pondo na gamitin sa mabilis na paraan.
Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Legarda ang mga ahensya ng pamahalaan kung bakit hindi nagamit agad ang quick response fund at ang disaster relief funds bago pa man maaprubahan ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Batay sa datos ng Department of Budget and Management o DBM, P10.28 billion pesos ang natira sa pondo National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.
Bukod pa aniya ito P6.7 billion pesos na quick response fund ngayong 2015 kung saan, P5.4 billion pesos dito ang hindi pa nagagamit.
By Jaymark Dagala