Kakalampagin ng Alliance of Concerned Teachers ang Commission on Elections (COMELEC) sa tanggapan nito sa Intramuros, Maynila ngayong araw.
Ito’y dahil sa kabiguan ng poll body na sundin ang mga nakasaad sa Election Service Reform Act of 2016 lalo na ang paglalabas ng honorarium para sa mga nagsilbi sa katatapos pa lamang na Barangay at SK Elections kamakailan.
Ayon sa ACT, nahihirapan pa umano ang mga Teachers 1 at 2 na kumuha ng kanilang tax refund kaya’t may iba nang pumipirma na lamang ng waiver upang hindi na sila maghabol pa dito.
Ikinagulat din ng mga guro ang singilin sa serbisyo ng notaryo at documentary stamp tax taliwas sa inilabas na resolusyon ng COMELEC na libre dapat ang pagpo-proseso sa refund.