Pagresolba sa mabagal na sistema sa Land Transportation Office o LTO.
Ito ang ipinangakong uunahin ng bagong talagang hepe ng LTO na si Atty. Roberto Cabrera partikular ang paglalabas ng mga plaka ng sasakyan at lisensya ng mga motorista.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Cabrera na tambak ang backlog sa lisensya at plaka kaya’t sisikapin nitong matugunan ito sa nalalabing anim na buwan ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino.
“Ang naging problema po dun yung nanalong bidder na magsu-supply ng mga lisensya na-file-an po ng kaso at nakapag-apply po ng temporary restraining order for an injunction sa korte, wala din po tayong magawa dun kundi sundin yun because pag hindi natin sinunod ang restraining order ay mako-contempt naman yung mga opisyal ng ahensya.” Paliwanag ni Cabrera.
By Jelbert Perdez | Karambola