Labis na nababahala ang isang grupo sa pagkakaantala ng pagpasa ng Senado sa anti-online piracy bill, binigyang-diin na ang kawalan ng legal protection para sa intellectual property ay patuloy na nakapipinsala sa creative industries sa harap ng laganap na piracy.
“The bills have languished in the Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship chaired by Sen Alan Peter Cayetano even after their obvious advantages have been laid out by all the industry stakeholders being victimized by intellectual property violations,” pahayag ni Pet Climaco, Konsyumer at Mamamayan (KM) convenor.
“Is there a rational reason for the delay? Are our honorable senators apathetic to the thousands of affected families in the entertainment and creatives industry?” tanong niya.
Dalawang bills — Senate Bill Nos. 2150 at 2385 — ang nakabimbin sa Senado, kapwa naglalayong amyendahan ang Intellectual Property Code of the Philippines upang tugunan ang online piracy.
Pinangunahan ni Senador Mark Villar, noong siya pa ang chair ng Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, ang public hearings sa dalawang bills.
Gayunman, ngayong ang komite ay pinamumunuan na ni Senador Alan Peter Cayetano, ang mga panukalang ito ay hindi pa umuusad.
Binigyang-diin ni Climaco na ang pagpasa sa bill ay magkakaloob sa mga awtoridad ng kapangyarihan na i-block ang illegal sites, mapipigilan ang dagdag na economic damage sa creative sector, na nawalan na ng bilyon-bilyong piso.
Matagal nang idinadaing ng creative industries ang pinsala na idinudulot ng digital piracy, tinukoy ang malaking kita na nawawala dahil karamihan sa mga Pilipino ay tinatangkilik ang pirated content.
Noong July 2023 ay inaprubahan ng House of Representatives ang House Bill No. 7600 na inakda ni Albay Second District Representative Joey Salceda, na naglalayong i-update ang 26-year-old Intellectual Property Code.
Nauna na ring kinondena ni Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) convenor Atty. Karry Sison ang Senado sa pagkabigo nitong aksiyunan ang anti-piracy bill, tinawag itong isang urgent issue sa harap ng mabilis na sumusulong na teknolohiya.
Nagpahayag din si TV host Kim Atienza ng pagkabahala sa nagpapatuloy na isyu, binigyang-diin kung paano pinipinsala ng digital piracy ang creative industries.
“Digital piracy stifles the creativity of artists and creators by diminishing the value of their art. It makes it harder for Filipino content creators to gain visibility and financial support. One of the biggest effects of digital piracy is revenue loss on film, TV, music, and software companies that rely on intellectual property for their income. Let us support our creative industries,” sabi ni Atienza.