Inihayag ni Senador Sonny Angara na dapat maging mabangis na ang aksyon ng gobyerno laban sa Abu Sayyaf Group.
Iminungkahi din ni Angara na dapat maglabas ng reward money ang gobyerno para sa sinumang makatutulong na mahuli ang mga miyembro ng bandido.
Ipinaliwanag ni Angara ang makatutulong ang pagpapalabas ng reward money upang ma-mobilize ang komunidad laban sa Abu Sayyaf.
Kaugnay dito, posible umanong may kasabwat ang Abu Sayyaf Group mula sa pamahalaan at militar.
Ito ang paniniwala ni Fr. Benjamin Alforque, pinuno ng Justice and Peace Commission ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP.
Batay aniya sa karanasan ng mga pari na bahagi ng nakalipas na negosasyon, posibleng magkasabwat ang mga bandido, ilang opisyal ng AFP at ilang opisyal ng pamahalan sa hatian ng ransom money na mula sa kidnap victims.
Kasabay nito, inihayag ni Fr. Alforque na ang pagpatay ng Abu Sayyaf sa mga bihag nilang banyaga ay isang yugto ng kanilang kriminal na gawain at isang hakbang para ipahiya ang incoming Duterte Administration.
By: Meann Tanbio