Hinikayat ni Roy Mabasa, kapatid ng pinatay na broadcaster na si Percy Lapid, si suspended Bureau of Corrections Director Gerald Bantag, na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya at magbigay ng mas marami pang impormasyon sa kaso.
Si Bantag ang isa sa mga sinampahan ng kasong murder makaraang ituro bilang isa sa mga mastermind umano sa pagpatay kay Lapid o Percival Mabasa.
Ayon kay Roy, hindi naman siya tutol na isailalim si Bantag sa witness protection program kung magbibigay ito ng mas marami pang pangalan na sangkot sa pagpatay sa kanyang kuya.
Ang kanila anyang layunin ay makapagbigay ng buong hustisya para sa kanyang utol at para maisakatuparan ay maaaring mapasailalim sa w.p.p. si Bantag basta’t pasok ito sa mga kwalipikasyon.
Gayunman, nilinaw ni Justice Secretary Boying Remulla na hindi kwalipikado ang suspendidong BuCor chief dahil isa itong law enforcer at kabilang sa itinurong utak sa krimen