Nagtungo muli si Roy Mabasa sa Department of Justice ngayong araw.
Si Roy ay ang kapatid ng pinaslang na broadkaster na si Percy Lapid.
Makikipagpulong si mabasa kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla
Sa nasabing pulong, bibigyan ng briefing ni Remulla ang pamilya mabasa hinggil sa development ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Ka Percy.
Kabilang na rito ang hinggil sa kasong isasampa ng DOJ sa korte laban sa mga natukoy na suspek sa Percy Lapid killing.