Target ng PNP o Philippine National Police na mabawasan ang nasasawi sa kanilang pagbabalik sa kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay Chief Supt Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, ipatutupad nila ang kampanya nang paspasan ngunit may ibayong pag-iingat.
Patutunayan aniya nilang lehitimo ang kanilang operasyon kaya kinakailangan nang magsuot ng mga pulis ng body camera.
Samantala, sisimulan nang balangkasin ngayong araw na ito ng PNP at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang campaign plan na magsisilbing gabay ng pulisya sa pagbabalik nila sa war on drugs.
Ipinabatid ni Carlos na target nilang tapusin ang campaign plan ngayong weekend para makabuo na ng memorandum circular sa Lunes na lalagdaan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa at maipakalat na sa mga rehiyon.
Gayunman, nilinaw ng tagapagsalita na wala pang eksaktong petsa kung kailan babalik ang PNP sa kampanya kontra iligal na droga.