Hindi pa maituturing na case closed ang panggagahasa, pagpatay at pagsunog sa bank employee na si Mabel Cama.
Ito, ayon kay National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde, ay hangga’t hindi pa nahuhuli at nakukulong ang iba pang suspek.
Bagaman itinanggi ng naarestong suspek na si Randy Oavenada na sangkot siya sa krimen, inamin naman nito na nakipag-inuman siya sa dalawang hindi pa pina-pangalanang lalaki noong gabing mangyari ang insidente.
Duda naman si Albayalde mga pahayag ni Oavenada dahil paiba-iba ito ng detalye.
Kahapon ay sinampahan na ng kasong rape with homicide si Oavenada matapos magtugma ang kanyang fingerprints sa na mga nadiskubreng bakas sa crime scene.