Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na wala nang kawala pa si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’y dahil sa mabigat ang mga argumento laban sa punong mahistrado na aniya’y babagsak sa betrayal of public trust at paglabag sa Saligang Batas.
Tingin ni Alvarez, magiging kakaiba ang magiging paglilitis laban kay Sereno kumpara kay dating CJ Renato Corona dahil sa mismong mga kapwa nito mahistrado ang tatayong testigo laban sa kaniya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez
Kabilang din sa mga ilalatag na argumento laban kay Chief Justice Sereno ang kaso ng biyuda ni dating Court of Appeals Justice Jose Colayco na kapwa pumanaw na nang hindi napakikinabangan ang benepisyong dapat sa kanila.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez