Asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Pasig City sa pagsasara ng bahagi ng Meralco Avenue.
Simula mamayang alas-9 ng gabi hanggang taong 2028 ay sarado ang nasabing kalsada sa tapat ng Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Shaw Boulevard Station na bahagi ng Mega Manila Subway Project.
Hinimok naman ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta kung pupuntang Pasig o Mandaluyong Cities.
Aminado si MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija na hindi biro ang volume ng sasakyan na daraan sa kahabaan ng Capt. Henry Javier, Danny Floro Streets at Julia Vargas Ave.
Lalo anyang sisikip ang mga nasabing kalsada pagsapit ng Holiday season, kung saan ilang kalapit na malls ang magkakaroon ng sale na tiyak na daragsain ng Christmas shoppers.