Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong weekend.
Ito ay bunsod ng mga isinasagawang road reblocking at repair sa ilang kalsada sa Metro Manila na nagsimula 11 p.m. kagabi at tatagal hanggang 5 a.m. sa Lunes, Marso 2.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang sa mga apektadong kalsada ang southbound ng Edsa mula Guzent Inc. Construction Equipment Sales and Rental hanggang Bansalangin street, 5th lane mula sa sidewalk.
Southbound ng Edsa sa bahagi ng B.P. Tuazon Flyover hanggang A. Boni Serrano flyover, 3rd lane mula sa MRT at northbound ng Edsa matapos ang Aurora blvd. hanggang New York street, 3rd lane mula sa sidewalk.
May road reblocking at repairs din sa Southbound ng A. Bonifacio Avenue mula J. Manuel hanggang Sergeant Rivera street, 3rd lane mula sa sidewalk; westbound ng General Luis street mula SB diversion road hanggang Samote street.
Gayundin ang westbound ng Elliptical road mula panulukan ng corner Maharlika street, 9th lane mula sa outer sidewalk.