Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na indikasyon ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko.
Aniya, kapag maganda ang ekonomiya ay nagkakaroon ng pambili ng sasakyan ang mga tao.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit nag-iinvest ang pamahalan sa subway system, monorail at bus rapid transport system.
Matatandaan na lumabas sa report ng Chamber of Automotive Manafacturers of the Philippines Incorporated na tumaas ng higit 7% ang naibentang sasakyan nito lamang buwan ng Setyembre.