Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista na asahan na ang bumper-to-bumper na mga sasakyan ngayong papalapit ang Pasko.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, mas gagrabe pa ang traffic sa December 22 at sa mga huling araw ng ‘working day’ bago ang araw ng Pasko.
Dahil dito, nagpatupad ang ahensya ng ‘no late, no absent policy’ sa lahat ng traffic enforcers ng MMDA upang pagaanin ang daloy ng trapiko.
Pinalawig na rin ang deployment ng mga enforcer hanggang alas dose ng hatinggabi.
Pinaalalahanan naman ni MMDA Chairman Artes ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang congestion ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada. - sa panulat ni Maianne Palma