Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Southbound Lane ng Edsa Kamuning Flyover ang pagbaligtad ng isang AUV makaraang bumangga sa mga concrete barriers.
Ayon sa mga otoridad, galing sa balintawak para bumili ng prutas na ihahanda sa bisperas ng bagong taon ang naturang driver nang makaramdam ng antok at nakaiglip sa gitna ng kaniyang pagmamaneho.
Dahil dito, apat na concrete barriers ang nasira, na agad namang nilinis ng mga tauhan ng MMDA. —sa panulat ni Angelica Doctolero