Ibinabala ng Land Transportation Office National Capital Region-West ang pagbigat ng daloy ng trapiko papasok sa metro manila ngayong gabi.
Kasabay ito ng inaasahang dagsa ng mga taong babalik sa rehiyon, matapos ang gunitain ang long weekend sa kanilang probinsya dahil sa paggunita ng undas.
Ayon kay LTO-NCR-West Director Roque Verzosa III, inaasahan na nila ang dagsa hindi lamang ng mga motorista kundi maging ang maraming pasahero.
Magtatagal ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.
Tiniyak naman ni Versoza na handa ang kanilang hanay katuwang ang mga traffic enforcers, pulis at force multipliers para siguraduhin ang kaligtasan ng lahat.