Isasara sa trapiko ang dalawa sa pitong lanes ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng University at Central Avenue bukas, Agosto 15.
Ito’y upang bigyang daan ang pagtatayo ng guide way para sa konstruksyon ng Station 3 ng MRT o Metro Rail Transit Line 7.
Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang mga motoristang bumabagtas sa nasabing lansangan na mag-isip na ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa lugar.
Maliban dito, nakaktada na ring simulan sa susunod na linggo ang konstruksyon sa Manggahan Station ng MRT 7 partikular sa pagitan ng mga kalye Katuparan at Kaunlaran sa bahagi pa rin ng Commonwealth Avenue.