Asahan na ngayong araw ang mabigat na daloy ng trapiko sa Taguig City kasabay ng 27th ASEAN Labor Ministers Meeting.
Inabisuhan na ng MMDA ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa abala, lalo’t magkakaroon ng Re-routing at Road Closure.
Mag-de-deploy naman ang MMDA, ng 186 na personnel upang umalalay sa traffic management, road clearing at emergency response.
Isasagawa ang Labor Ministerial Meeting sa Shangri La Hotel sa Bonifacio Global City, hanggang Sabado, Oktubre a – 29.