Isinusulong ngayon sa KAMARA ang mas mabigat na parusa kontra bomb joke.
Sa ilalim ng House Bill 421 o “false bomb threat prohibition act” ni House Deputy Speaker Miro Quimbo, anim hanggang labing dalawang taong pagkakabilanggo ang parusa sa mapatutunayang guilty sa pekeng bomb threat.
Inihihirit din ng mambabatas ang Limang Milyong Pisong multa sa mga nasa likod ng pekeng bomb threat o scare.
Iginiit ni Quimbo na panahon nang palakasin ang mga umiiral na batas laban sa false bomb threats sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Presidential Decree 1727 na nagpapataw lamang ng limang taong kulong at multang Apatnapung Libong Piso sa nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa bomb threat.
By: Meann Tanbio