Hinikayat ng National Telecommunications ang mga mambabatas na pagmultahin ng 1 milyong piso ang telecommunication company na mabibigong magbigay ng mabilis na internet sa mga consumer.
Sa naging budget deliberation sa Kamara, ipinaliwanag ni NTC Chief Gamaliel Cordoba na hindi na naaayon sa ating panahon ang pagpapataw ng P200 multa kada araw alinsunod sa Public Service Act.
Nagiging hadlang din umano sa mabilis na internet ay ang istrikto at napakaraming requirement na hinihinge ng mga lokal na pamahalaan para sa pagtatayo ng mga cell sites.
Binatikos pa ni Cordoba ang gobyerno dahil sa umano’y hindi man lamang pag-iinvest para maayos at mapabilis ang internet connection hindi tulad sa ibang bansa.
By Rianne Briones