Inaasahan na ng pamunuan ng NLEX at SLEX ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko kasabay ng pagbabalik Metro Manila ng libu-libong motorista mula sa mahabang Undas weekend.
Ayon sa mga operator ng NLEX at SLEX, ngayong umaga hanggang mamayang gabi inaasahang mararanasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Tiniyak naman ng mga expressway operators ang kanilang kahandaan sa heavy traffic jam kaya’t nagdagdag na sila ng mga tauhan.
Samantala, may alok din silang Libreng Towing Service sa pinakamalapit na exit sa mga class 1 vehicle hanggang ngayong araw. —sa panulat ni Jenn Patrolla