Maraming Pilipino ang conscious sa kanilang pangagatawan lalo na ngayong COVID-19 Pandemic kung saan marami ang hindi na lumalabas ng bahay para mag-ehersisyo.
Sa mga mabilbil at medyo malaki ang tiyan, ano nga ang lunas dito?
- Bawasan ang pagkain ng kanin at sitsirya.
- Kumain ng mas mabagal, para mas madali kang mabusog.
- Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang apat na beses kada lingo. Palakasin ang masel sa tiyan, tulad ng stomach crunches.
- Magkaroon ng tamang tindig (posture).
- Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea. —sa panulat ni Abigail Malanday