Para sa mga mabilbil at ma-tiyan na hirap na hirap kung paano ba ito paliitin.
Narito na ang solusyon para rito;
- Una, bawasan ang pagkain ng kanin at sitsirya.
- Pangalawa, kumain ng mas mabagal, para mas madali kang mabusog.
- Pangatlo, mag-ehersisyo ng tatlo hanggang apat na beses kada lingo. Palakasin ang masel sa tiyan, tulad ng stomach crunches.
- Pang-apat, magkaroon ng tamang tindig o posture.
- At panghuli, umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea. —sa panulat ni Abby Malanday